BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, February 13, 2013

WHY AM I SO WEAK

Sunday, February 3, 2013

Dear God..

Hello. So, alam nyo naman na may boyfriend ako dba? Hmm, ayun. Kaso, INC siya. Katoliko ako. Dumating na yata yung pinaka-kinakatakutan naming mangyari. Oo, naulat na siyang may girlfriend na Katoliko. Sa loob ng tatlong taon, ngayon lang kami naulat. Hindi ko alam kung sino yung gumawa nun. Nakakatawa lang kasi, 3 years na eh. Tapos ngayon pa may ganyan. Alam kong taga-rito lang samin yung nagsuplong nun. Pero ang nakakatawa dun ay.. kung kelan minsan na lang syang pumunta dito samin kasi madalas, ako na ung nagpupunta sa knila.. Dun pa kami na-ulat. Nakakatakot? Oo. Iyak nga ako ng iyak kanina kasi bawal muna kaming magkita. Ang drama-drama ko. LOLZ. Syempre, halos, araw-araw magkasama kmi eh, tapos may ganyan.. Sabi nga ng bestfriend ko, wala eh. Talagang may mga kupal na hinahayop kami. Kakatapos lang ng isang prob, meron nanaman, :) Pero keribels lang. Gay-on talaga eh. Wala tayong mgagawa. Favorite yata kaming biru-biruin ngayon.

Minsan, hindi maiwasan na kami na yung nag-aaway imbis na magkakampi kami. Minsan, di ko na rin maiwasan na baka may ibang dahilan kaya ganito. Ang sakit-sakit na nga ng ulo ko kaiisip. Pero, I need to be strong. :D Siguro nga challenge lang lahat to, :) Eh pano ba naman eh.. Talagang ni-reready na siguro kami. CHOS! HAHAHAHA.

De, lilipas din to. Keri namin to! :D Alam kong magiging okay talaga to. Di ko alam kung gaano kalaki yung damage na nagawa namin or nagawa ko?? Pero, wala naman akong maling ginawa, I just fell in love. Hindi naman sa sinisisi ko si B, kasi, nung naging kami, di ko naman talaga alam na INC siya. Kumbaga, we just fell in love eh. Wala naman kaming ginawa.

Alam ko, God is with us. Kahit anong problema pa yan. Keribels namin to! :)

Thursday, January 24, 2013

Think twice before taking someone for granted.

Bakit kaya ganon tayo no? Kapag wala pa sa atin yung gusto natin, gagawin natin lahat para makuha to, mapa-bagay man or tao. Sa tao.. Araw-araw, susuyuin mo. Liligawan mo habang mapa-sagot mo ng oo. Kapag um-oo na, syempre, sa umpisa, pakitang gilas muna. Halos araw-araw kita. Parang ganito..

BOY: Baby, sunduin kita mamaya sa school mo ha? I love you po! Miss na kita agad! Mwah!
GIRL: Sige po baby :* I love you too po! Miss na rin po kita. :))

Araw-araw susunduin hangga't kaya. Parang araw-araw mo pading nililigawan ang datingan.
Kapag bago palang, yan. Saya nyan. Sweet-sweetan. Yung first 3 months yan e. Kahit araw-araw nag-aaway, iba padin talaga kapag lambingan na. Walang taasan ng pride. Basta, love is in the air kumbaga. Kahit hindi magkasama, dapat sabay kakain. Sabay maliligo. Lahat-lahat. Kilig moments kung baga.

Kapag tumagal-tagal na.. Ganito na ang scenario.

BOY: Sunduin kita nalang kita maya kung pwede. I love you!
GIRL: Okay I love you too.

Ayaaaaan, nagiging komportable na masyado ang isa't isa. Na porket matagal na, parang na-tatake for granted nyo na ang relasyon nyo. Parang bahala nalang kung magkikita na. Nagkakatamaran na, usually, dito, naglolokohan na. HAHAHAHAHA. Nawawalan na nang time sa isa't isa.

Kapag ubooooooooooood ng tagal na..

BOY: Ano? Sunduin pa ba kita?
GIRL: Kaw bahala.

Hahahaha, kulang nalang maghiwalay na sa sobrang cold sa isa't-isa. Dito, halo-halo na. Kumbaga, sa sobrang comfortable nyo sa isa't isa, wala nang something special. Wala ka nang masyadong effort. Kasi, alam mo naman after all, andyan padin naman siya. So, bakit pa mag-eeffort?

-
Ngayon, kung hindi kayo/ikaw aayos, talagang malaki ang possibility na mag-break kayo. Staying inlove is the hardest part sa pag-ibig. Kung gusto mo siyang makasama habangbuhay, you should treat her/him right. Wag yung porket alam mong ag-sstay or mag-sstick siya sayo, wala ka nang effort para sa kanya. Dapat, parang araw-araw nagliligawan padin kayo. :) Kung ayaw mong mawala siya sayo, edi alagaan mo. Hindi yung kung kailan huli na ang lahat, tsaka ka malulungkot, magsisisi at iiyak na sana pala, iningatan at minahal mo siya ng sobra para hindi siya nawala sayo. Nakakainis mag-regret. LOL =))

Kaya sa lahat, dapat, itrato nyo ang ka-partner nyo sa paraang gusto nyo din tratuhin kayo. :> Diba?

Wednesday, January 23, 2013

My crazy boyfraaaand =)))


Hahaha, I saw this one sa laptop ko, wala lang, tuwang-tuwa ako. :"> Hahahaha. Natatawa nga ako e. Kasi minsan, akala ko, di na ako kinikilig sa mahal ko. Pero, hindi pala. :"> Minsan kapag magkasama kami, yung mga simpleng kilos at lambing nya lang para sakin, talagang nahuhulog ako ulit sa kanya. Akala ko nga minsan, nagfafade nako sa kanya. Sa sobrang dami ba naman kasi ng mga problems na nangyari samin eh. Akala ko, 1 araw, bibitaw nalang ako sa kanya bigla. Pero tignan mo naman ngayon, kami padin. Mehehe.

Hmm, sa totoo nga lang, ang daming naninira samin ngayon eh. Medyo mahirap on my part, kasi, wala akong ka-ide-idea eh. Tapos may mga issue na nagsusulputan. Mahirap, oo. Kasi, lagi nalang ako yung tinitira nila. Lagi nalang kaming may issue, pero sa kabila nung, wala naman silang magagawa e. We got each other's back. :D Alam ko, minsan, hindi to nararamdaman ng mahal ko. Kasi, puro pang-aasar lagi yung ginagawa ko sakanya, kung hindi naman pang-aasar, tatahimik nalang ako.. na parang wala lang. Wala nang pakelam. Lol. Hmm, napapagod na rin kasi ako minsan eh. Masyado kaming superstar. Hahaha! Ngayon, ewan ko ba. Ang squatter kasi ng ugali nung mga naging "kaibigan" ng bf ko pati ng mga pinsan nya. LOL. Mga attention whore, prang mga hindi nag-aaral. Lakas manira! Hahaha. Ang papangit naman, kamuka pa ni Bride of Chuckie yung isa. Hahaha. CHAR.
 Moving on..
Kahit minsan, nabbwisit na kami sa mga naninira samin, di nalang namin pinapansin, kasi mga gago sila. CHAR. HAHAHAHAHA. Kasi, wala naman silang mapapala samin e. Hahaha, kahit ano pang sabihin nilang paninira, mga baliw sila. At ang ccheap. LOL. As long as walang ginagawa si B, okay ako dun, pero kapag may ginawa na siya, syempre, ibang usapan na yun, dba?
:)


Kahit naman anong gawin nyo, masaya kami ni Bong.
Kahit minsan, nagtatalo kami, hindi pwedeng uuwi ang isa ng hindi maayos ang lahat kahit abutin pa kami ng umaga.
Hindi naman porket nagkamali siya, madali nyo na kaming masisira.
Alam nyo lang yung mga away namin, pero hindi nyo alam kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Hindi nyo alam kung paano kami maglambing para lang wag magtampo yung isa samin. Hindi nyo alam kung gaano kami kabaliw sa tuwing nagkukulitan kami.
Kahit anong paninira ang gawin nyo, kami parin yung mananalo. ANG PAPANGIT NYO. LOL

As long as mabait si Bong.. Okay kami. Kasi, ako, mabait na talaga ako. MWAHAHAHA. =)))
Basta, be good baby. I love you. <3 p="">

Life isn't always sweet

Nag-backread ako sa mga posts ko sa blog na to, and Im very surprised na most of my blogs are sad, depressed and disappointed. I don't know kung nagkakataon lang bang malungkot ako kapag nag-popost ako sa blogs. Well, usually naman, nagpopost ako dito kung malungkot ako or sobrang happy. LOL.

Ayun, sa pagbabasa ko, naisip ko na ang lakas ko pala talagang babae. Malakas ba o tanga? Hahaha. Pwede bang combination nalang? Lol. Ayun, sobrang strong ko pala no? Kahit ilang beses nakong niloko, ginagago, pinaiyak at nahirapan, Im still here. Smiling despite of everything that once made me frown. Kahit na sobrang nahirapan ako dati, I still manage to share my love with others. Hmm.. Natututo akong magpatawad kahit na sobrang hirap. Well, although hindi naman ganun kadali, at least, diba, nakakapag-patawad parin ako. Hehehe :')

Sa ngayon, alam mo, gusto ko lang sumaya. Wala. Tumawa ng tumawa. Maging worry free. Walang iniisip. Walang hinala. Walang "baka kasi..", "paano kaya kung?" at "sana..". Gusto ko magawa lahat ng gusto ko, mapasaya yung sarili ko hanggang sa mapaos nako sa kakatawa. Gusto kong maramdaman na "special" ako. Na ako, may proud sakin. Hihihi. Ang drama ko. :D BASTA, I NEED A BREAK FROM PROBLEMS AND STRESS! :>


LOVE MEEEEEEEEEE! hihihi

Tuesday, January 22, 2013

It feels so good to be back!!!


What's up blog and everyone who's visiting my site? Lol. Im so sorry for being inactive for such a looooooooooooooooong time! I was busy and everything was kinda out of control this past months. IT'S CRAZY!!! I experienced a lot of hardships and tough challenges! As in tough. Lol.

September (2012) was the toughest month for me. Ewan ko kung sinusubukan ba ako bilang babae, gf or tao.. OR..... Sinasabi ng Diyos na Im with the wrong man. Basta, sobrang gulo ng month na to, na I almost gave up. Well, emotionally challenged ako nung month na to. Kasi, yung bf kong magaling.. Umariba nanaman sa social life nya. Hahahahahahaha! Basta, there's a lot of trouble and A LOT OF PEOPLE na sumawsaw sa relationship namin. Weird nga eh. Ewan ko ba dyan, bakit mga jejemon pa yung mga type i-close. Lol. Nagkanda-gulo-gulo tuloy. Dito ko din napatunayan na hindi lang sa supermarket madaming free taste.. Madami din sa Pateros. :)) Hahahaha. I know, I know.. Im mean. VERY MEAN. :> Hihihi. (di na-engage ang jowa ko sa sexual ekek, ok? its more like landian.. nakakainis man i-admit pero, bwisit. ahahahaha)

Moving on...

October.. Anniversary namin. Everything was kinda cold between the 2 of us.. Especially on my part. Kasi, syempre.. "Nagago" di agad makaka-move on. Hahahaha. Away month din to, maharot nga kasi. LOL. Oo na, oo na.. ang tanga ko na. Lol, pero ganun tlga e. MAHAL MO EH. You can say all you want.. Pero, di mo naman alam pinagdaanan namin eh. Kaya you don't have the right to judge us. Wala, view-view facebook month to eh. Hahaha.

November.. Away-away month din. Medyo magulo to dahil sakin. Kung ano2 mga sinasabi ko sa jowa ko na nakakasakit na sakanya. Kaya ayun, things was kinda physical dito. Hahaha, pero sakto lang.. Naging ok naman kmi. Talagang puro init kasi ng ulo eh.

December.. This is okay month until mambwisit nanaman ung mga chipipay na mga umeepal sa bf at mga pinsan  nya.

Ewan ko ba kung bakit lagi ako yung binubwisit nila. Hahahahahaha. Pero okay lang un. Kasi, maganda naman ako e. HAHAHAHAHAHA. Tsaka, di ako free taste eh. :) Di ako naninira ng ibang tao para lang maging "in".

January 2013, ang pangit neto. Hahaha. Medyo ayoko kasi, may mga bagay akong nalaman na hindi ko pa alam na medyo nagpagulo ulit sa mga sitwasyon. Sa mga buhay-buhay. Pero, eto parin ako, ang lakas ko nga eh. Ewan ko ba. Wala ata tlga sa bokabularyo ko ang sumuko.

Meron pala akong isang problema.. Problema din to ng pamilya.. Pano, yung kumpanyang pinag-ttrabahuhan ng tatay ko, mukang ipapasara pa. Langyan kasi eh, nagreklamo ung mga tao ng Saudi sa Prinsipe nila. Dahil un sa usok eh. Eh ewan, kung kelan malaki na ung prob tsaka matataranta ung may ari ng kumpanya na mag-maintenance, baliw din eno? Ayun, mukang papauwiin pa erpats ko. Badtrip nga e. Kaya pagdasal nyo din si Dad pati ung ibang Pilipino na nag-ttrabaho dun.

Okay?

Natuto akong wag basta magtitiwala sa mga taong nasa tabi-tabi. Pano, ung pinaka-pinagkakatiwalaan mo nga, sinisira yung tiwala mo, pano pa kaya yung mga bagong kilala mo palang, diba?

Thursday, March 29, 2012

Pisses my shit off.

Hindi ko alam kung bakit may mga babaeng pumapayag maging kabit at maging dahilan kung bakit may isa pang babaeng umiiyak at nasasaktan. Bakit ganito na ang nangyayari satin? Hindi na natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Miski kapwa mo, wala na.. Wala ka nang maaasahan. Sa panahon ngayon, ano? Hayy. Sarili mo nalang ang mapagkakatiwalaan mo, minsan pumapalya pa nga. Galit na galit talaga ako sa mga taong sinungaling, manloloko at mabisyo.. Yung bad influence ba ang datingan. Ano na bang nangyayari talaga? Hindi ko na rin alam.

Hindi ko lubos maisip kung bakit natitiis ng mga babae na maging 2nd choice. Alam mo yun? Ano na ang nangyari sa mga Maria Clara natin? Hindi ba sila naaawa? Hindi ba nila naiisip na paano kung sa mga anak nila mangyari yun? Na umiyak ang mga babae nilang anakk dahil din sa kagagawan ng babae.

Ang mga lalaki naman ngayon, sobrang magsinungaling, makakuha ka lang ng honest, napakaswerte mo na. Halos lahat sila manloloko. Swertihan lang talaga kung makakuha ka ng loyal, faithful at honest sayo. Hindi ko naman nilalahat pero sa ngayon talaga, iba na.. Patibayan nalang ng loob, patigasan. Palakasan. Kung gusto mong makasama ang isang tao, kailangan mong tiisin lahat ng sakit para lang tumagal o maging kayo habangbuhay, ang tanga noh? Pero yun ang totoo, madaming tanga ngayon dahil lang sa pagmamahal, at isa nako dun. :))

Alam naman nating lahat na hindi mo kailangan magtiis sa isang relasyon na puno ng sakit. Pero nagagawa nating tiisin yun dahil sa taong kasama mo sa relasyon na yun. May mga tao namang mapag-abuso. Porket alam nila na hindi mo sila kayang iwanan, sige lang sila sa mga gusto nilang gawin, parang nakawala sa hawla. Porket alam nila na hindi sila kayang iwanan, ginagawa nila miski yung mga bagay na alam nilang makakapagpasakit sa partner nila. Well, ganun talaga eh. Kung minsan naman, kung kailan napagod na yung taong mahal nila sa kanila, at dumating sa point na talaganng hindi na kaya, dun sila nagbabago.. Kailangan bang may masaktan pa? Kailangan bang may umiyak pa? Kailangan bang may mahirapan pa bago ka kumilos? Bago ka magbago? Ano na ba talaga?

Wala namang magbabago kahit ano pang gawin natin, magalit man tayo ng magalit, wala padin, walang mangyayari. Walang magbabago. PUTANGINANG WALANG MAGBABAGO KUNG PURO PANGAKO LANG, PURO PUTANGINANG SALITA. KAHIT ANO PANG BLOG ANG GAWIN KO, WALANG MAGBABAGO SA PUTANGINANG MUNDONG TO!